Arestado ang lima (5) katao sa isinagawang entrapment operations ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa Valencia City, Bukidnon.
Ayon kay CIDG Spokesperson Chief Insp. Elizabeth Jasmin ang grupo ay sangkot sa pagbebenta ng mga pekeng US dollars sa mga lehitimong negosyante na kadalasan ay mga dayuhan.
Kinilala ang mga naaresto na sina Michael Paler, Marlou Vasquez, Antonio Besin, Dan Adolph Vasquez at Glyn Perater Jr.
Nakuha sa grupo ang 97 piraso ng mga pekeng 1,000 dolyar na bills, 3 motorsiklo, at isang kalibre 45.
Ang lima ay nahaharap sa kasong illegal possession and use of false treasury or bank notes and other instruments of credit at illegal possession of firearms.
By Katrina Valle