Nagtakda na ng limang kilong limitasyon ang National Food Authority o NFA sa mabibiling NFA rice ng bawat mamimili.
Gayunman, aminado si NFA Spokesman Rex Estoperez na hindi rin naman ito epektibong paraan para maiwasan ang hoarding dahil puwede namang pumila o bumili ang bawat miyembro ng isang pamilya.
Napag-alamang bawat NFA dealer sa palengke ay nakakaubos ng mahigit sa sampung sako ng bigas kada araw.
Nagpahayag ng pangamba si Estoperez na hindi umabot hanggang sa anihan sa Setyembre ang mga inangkat nilang bigas kung magpapatuloy ang nangyayaring hoarding ng NFA rice.
Umapela sa publiko si Estoperez na huwag mag-panic buying at bilhin lamang ang kailangan nilang konsumong bigas.
—-