Natural Resources (DENR) ang isang babaeng chinese matapos maaktuhang nagbebenta ng king cobra sa Binondo, Maynila.
Ayon kay National Bureau Of Investigation-Environmental Crime Division Chief Head Agent Jun Capreso, limang buhay na king cobra na nakasilid sa isang sako ang nasabat ng mga operatiba sa isang tindahan sa nabanggit na lugar.
Nabatid na planong gawing exotic food sa isang restaurant ang mga endangered species kung saan, napag-alamang walang permit ang naturang dayuhan.
Ayon sa mga otoridad, ang pagbebenta ng king cobra ay lubhang delikado sa buhay ng isnag tao lalo na kapag ito ay nakawala.
Nakakulong na ngayon ang chinese national na kakasuhan ng Wildlife Act habang ang nasabat naman na mga king cobra ay dinala na sa pangangalaga ng DENR. —sa panulat ni Angelica Doctolero