Arestado dahil sa kasong Murder ang limang lalaki sa Laguna matapos masangkot sa brutal na pagpatay sa isang piloto ng Philippine Airline noong buwan ng Hulyo,2021 sa Lungsod ng San Pablo, Laguna.
Ayon sa mga tauhan ng PNP Region 4-a, kinilala ang biktima na si Jeffrey Palcis, 41-anyos na dating Konsehal at Board Member ng Laguna.
Kinilala naman ang mga suspek na sina Rolando Cuevas alyas “Bancunyo”; Jherico Demesa; isang alyas “Mayor”; isang Jhon at Peter Doe na nahaharap sa patung-patong na mga kaso.
Patuloy pang iniimbestigahan ang pangyayari upang linawin ang motibo at kung sino ang dapat na managot o responsable sa pagpaslang sa naturang piloto. —sa panulat ni Angelica Doctolero