Limang hindi pa nakikilalang kalalakihan ang pinagbabaril sa bayan ng Doña Remedios Trinidad, Bulacan.
Ayon kay Capt. Eugenio De Ramos, hepe ng Doña Remedios Trinidad Police, naganap ang krimen sa liblib na bahagi ng barangay Camachile dakong alas-10:30 ng umaga kahapon.
Magtatabas lamang anya sana ng damo ang mga biktima sa isang bakanteng lote na napag-alamang subject ng land dispute.
Batay sa imbestigasyon, isang kasama ng mga biktima ang maghahatid sana ng pananghalian, subalit pawang mga bangkay na ang naabutan nito pasado alas-11.
Isang saksi naman na naninirahan malapit sa nabanggit na lugar ang nakarinig ng mga putok ng baril dakong alas-10:30 ng hapon.
Inaalam na ng awtoridad kung ano ang motibo at sino ang posibleng nasa likod ng krimen.