Limang lalawigan sa bansa ang nakapagtala ng “very high” o higit sa 20% ng COVID-19 positivity rate noong July 15.
Kabilang sa mga lugar na ito ang Laguna na may 22.5% positivity rate, Nueva Ecija na may 22.9%, Pampanga na may 23.5%, Tarlac na may 27.5% at Aklan na nakapagtala ng 31.9% positivity rate.
Pinaalalahanan naman ni OCTA research fellow Dr. Guido David ang mga residente sa lugar na mag-ingat upag hindi mahawaan ng nasabing virus.
Samantala, karamihan sa bagong COVID-19 infection ay naitala sa Metro Manila na may 12.6% positivity rate, mas mataas kumpara sa 10.9% noong July 9.