Pinag-iingat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang publiko sa pagbili at pagkain ng mga shellfish at alamang mula sa mga baybayin ng ilang lalawigan sa bansa.
Batay sa pagsusuri ng ahensya sa mga samples ng shellfish at alamang, positibo pa rin sa paralytic shellfish poison ang coastal water ng Milagros sa Masbate.
Kasama rin dito ang baybayin ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Dumanquillas Bay sa Zamboanga Del Sur; Litalit Bay, San Benetio sa Surigao Del Norte at Lianga Bay sa Surigao Del Sur.
Dahil dito, sinabi ng BFAR bagama’t ligtas kumain ng isda, pusit, hipon at talangka, dapat tiyaking sariwa ang mga ito dahil hindi ligtas kainin ang lahat ng shellfish at alamang na nagmula sa mga nabanggit na baybayin. —sa panulat ni Mara Valle