5 pagyanig ang naitala ng PHIVOLCS sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa nakalipas na magdamag.
Unang niyanig ng Magnitude 2.4 ang Puerto Galera pasado ala -1:00 ng madaling araw kanina.
Magnitude 2.1 naman ang naitala sa Tingloy, Batangas kaninang mag-a-alas-2:00 ng madaling araw.
Naitala naman ang magnitude 2.6 na lindol sa Mainit, Surigao del Norte pasado alas-2: 00 ng madaling araw
Habang 4.5 magnitude ang naitala sa Gatchitorena sa Camarines sur mag-a-alas-4:00 kaninang umaga
3.8 magnitude na lindol naman ang naitala sa Ambaguio, Nueva Vizcaya pasado alas-4:00 kaninang umaga
Habang 2.2 magnitude na lindol ang naitala sa Looc, Occidental Mindoro mag-a-alas 7:00 ngayong umaga.
Gayunman, sinabi ng PHIVOLCS na sa kabila ng mga naitalang pagyanig, hindi ito nakapagdulot ng pinsala sa mga ari-arian at wala ring naitalang mga aftershocks.
By: Jaymark Dagala