Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang limang locally-stranded individuals (LSI) na kauuwi lang ng General Santos City mula Cebu at Metro Manila.
Dahil dito, ayon kay Dr. Ryan Aplicador, deputy chief ng local Inter-Agency Task Force (IATF), umakyat na sa 14 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.
Sa kabila nito, nilinaw ni Aplicador na wala pang local transmission sa kanilang lugar at lahat ng mga nagpositibo sa siyudad ay mga nagbabalik na LSIs at Overseas Filipino Workers (OFW)’s.