Isa nang ganap na bagyo si Neneng habang kumikilos pa-Kanluran sa ibabaw ng Philippine Sea sa Silangang bahagi ng extreme Northern Luzon.
Batay sa pinakahuling datos ng PAGASA, ang sentro ng bagyong Neneng ay namataan sa layong 255 kilometers Silangan Timog-Silangan ng Calayan, Cagayan .
Taglay ng bagyong Neneng ang pinakamalakas na hanging aabot sa 65 kilometers kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 80 kilometers kada oras.
Ang bagyong neneng ay kumikilos pa-Kanluran sa bilis na 30 kilometers kada oras.
Itinaas naman ang tropical cyclone wind Signal No.2 sa mga sumusunod na lugar:
• BATANES
• CAGAYAN KABILANG ANG BABUYAN ISLANDS
• APAYAO
• NORTHERN PORTION NG ABRA AT,
• ILOCOS NORTE
Nasa ilalim naman ng tropical cyclone wind Signal No. 1 ang Northern Portion ng Isabela kabilang ang Santa Maria, San Pablo, Maconacon, Divilacan, Palanan, Ilagan City, Tumauini, Cabagan, Santo Tomas, Quezon, Delfin Albano, Mallig, Quirino, Gamu, Roxas; Kalinga, natitirang bahagi ng Abra, Northern portion ng Mountain Province kabilang ang Paracels, Natonin, Barlig, Sadanga, Bontoc, Sagada, Besao; at northern portion ng Ilocos Sur kabilang ang Sinait, Cabugao, San Juan, Magsingal, Santo Domingo, San Ildefonso, San Vicente, Santa Catalina, Bantay, City of Vigan, Santa, Cagayan, Narvacan, Nagbukel, Santa Maria, San Esteban, Santiago, Burogos, Banayoyo, Lidlidda, San Emilio, Quirino, Gregorio Del Pilar, Galimuyod, City of Candon, Santa Lucia, Salcedo
Inaasahan namang magla-landfall ang bagyo sa Babuyan Islands o Batanes bukas ng umaga.
previous post