May itinakda nang limang lugar ang Vaccine Expert Panel (VEP) kung saan posibleng isagawa ang clinical trial ng bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) mula sa pharmaceutical firm na Janssen.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergiere, wala pang ibinibigay na assignment ng mga kasali sa clinical trial ng bakuna mula sa Janssen ang VEP subalit may nabanggit na aniya itong mga sites.
Sinabi ni Vergeire, kanilang ipalalabas ang detalye hinggil sa limang itinalagang sites sa mga susunod na araw.
Ika-29 ng Disyembre ng nakaraang taon nang aprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang aplikasyon ng Janssen para magsagawa ng phase 3 clinical trial ng bakuna kontra COVID-19 sa bansa.
Samantala, sinabi ni Vergeire na patuloy pang pinoproseso ang aplikasyon ng iba pang pharmaceutical firm tulad ng Sinovac, Gamaleya at Clover upang makapagsagawa ng clinical trial sa Pilipinas.