Limang lugar sa bansa ang nakapagtala ng mataas na heat index kahapon.
Kabilang dito ayon sa PAGASA ang Ambulong, Tanauan City na nakapagtala ng pinkamataas na heat index na umaabot sa 50 °C, 2:00 p.m. ng hapon.
Bukod dito ipinabatid ng PAGASA na ilan pa sa mga nakapagtala ng mataas na heat index ang Aparri, Cagayan – 48 °C Sangley Pint, Cavite City – 48 °C, Science City of Munioz – 46 °C at Legazpi City – 45 °C.
Samantala ..umaabot naman sa 41 °C ang naitalang heat index sa Science Garden sa Quezon City kung saan naitala rin ang 35 °C na pinakamataas na temperature 3:00 p.m. ng hapon.
Muling ibinabala ng pagasa ang panganib na posibleng idulot kapag umabot sa 41 hanggang 54 °C ang heat index sa isang lugar tulad ng heat cramps at heat exhaustion na posibleng mauwi sa heat stroke.
Dahil dito pinayuhan ng pagasa ang publiko na dalasan ang pag inom ng tubig at iwasan ang physical activity tuwing tanghali at hapon.