Nagpositibo sa toxic red tide ang ilang lugar sa bansa.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), naitala sa limang lugar ang Paralytic Shellfish Poison (PSP).
Kabilang dito ang mga sumusunod na lugar:
- Coastal Waters ng Milagros, Masbate
- Coastal Waters ng Dauis at Tagbilaran City, Bohol
- Dumanquillas Bay sa Zamboanga Del Sur
- Litalit Bay sa San Benito, Surigao Del Norte at
- Lianga Bay sa Surigao Del Sur.
Pinapayuhan naman ng BFAR ang mga residente na huwag munang bumili ng shellfish at alamang mula sa mga naturang lugar dahil hindi ito ligtas kainin.