Uulanin ngayong araw ang bahagi ng Northern at Central Luzon dahil sa Northeast Monsoon o Amihan.
Ayon sa PAGASA, kabilang sa mga lugar na makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan ay ang Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Aurora, at Quezon.
Makararanas rin ng masamang panahon ang Bicol Region, Eastern Visayas, at Caraga, pero dahil ito sa shear line na nakakaapekto sa eastern sections ng southern Luzon at Visayas.
Samantala, para naman sa Metro Manila, Ilocos Region, nalalabing bahagi ng Cordillera Administrative Region, Central Luzon, at CALABARZON, sinabi ng pagasa na posible pa rin nag pag-ulan sa mga nabanggit na lugar dahil sa monsoon.