Limang lugar sa National Capital Region (NCR) ang isinailalim ng Department of Health (DOH) sa moderate risk dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases.
Kabilang dito ang lungsod ng Pasig, San Juan, Quezon City, Marikina at Pateros.
Batay sa DOH, isinasailalim sa moderate risk ang isang lugar kung ito ay makitaan ng positive two-week growth rate sa bilang ng COVID-19 cases at Average Daily Attack Rate (ADAR) na nasa 6 average cases per day sa kada 100,000 populasyon.