Nanawagan sa gobyerno ang World Health Organization (WHO) na bakunahan na kontra COVID-19 ang nasa 2.5M Senior Citizens sa Pilipinas.
Ayon kay acting WHO Representative to the Philippines Dr. Rajendra Yadav, ang Cebu, Negros Occidental, Batangas, Cavite at Bulacan pa rin ang mga lugar sa bansa na may mataas na bilang ng unvaccinated senior citizens.
Umapela naman si Yavad sa mga gobernador at alkalde ng mga lugar na himukin ang kanilang mga matatandang residente na magpabakuna na.
Kasabay ito ng paggiit sa ligtas at epektibo ang mga bakuna laban sa COVID-19. —sa panulat ni Abigail Malanday