Nagpositibo sa red tide toxin ang 5 baybayin sa 4 na lalawigan sa Visayas at Mindanao.
Batay sa abiso ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ang mga lugar na nakitaan ng red tide ay ang Dumanquillas Bay sa Zamboanga Del Sur at Lianga bay sa Surigao Del Sur.
Kasama rin sa nakitaan ang mga baybayin sa Dauis at Tagbilaran City Bohol at sa Matarinao Bay sa Eastern Samar.
Dahil sa pagpositibo sa toxic red tide, pinayuhan ng BFAR ang mga publiko na huwag munang kumain ng shellfish mula sa mga nasabing lugar.
Dapat ding iwasan ang pagkain ng mga lamang-dagat gaya ng isda, pusit, hipon at alimango.