Mahigit limang milyong doses ng COVID-19 vaccine ang naiturok na sa mga indibidwal sa bansa.
Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez, 1, 189, 353 mula sa 5, 120, 023 individuals ang fully vaccinated na o nakatanggap na ng dalawang dose s ng bakuna kontra COVID-19.
Kabilang dito aniya ang halos 1.4 million o 93% ng health workers sa bansa kung saan 664,000 na ang kumpleto nang nakatanggap ng bakuna.
Nasa kabuuang 1,368, 836 o 13. 38% ng 9 million senior citizens at 1. 15 million persons o 22. 7% na mayroong co-morbidities ang nakatanggap na ng bakuna.
Muling binigyang diin ni Galvez na kailangang makapagbakuna ang gobyerno ng 500,000 kada araw sa Metro Manila, Metro Davao, Metro Cebu at anim pang urban areas para maabot ang herd immunity sa November 27.
Kapag nabakunahan na aniya ang 30% ng indibidwal sa bansa ay tiyak nang bababa ang kaso ng COVID-19 lalo na’t kung magkakaroon ng steady supply.
March 1 nang gumulong ang COVID-19 vaccination program ng gobyerno sa pamamagitan ng mga bakunang gawa ng Sinovac, AstraZeneca, Galameya institute at Pfizer.