Naantala ang pagpapadala ng India ng limang milyong doses ng Astrazeneca vaccines sa United Kingdom (UK).
Ito ay matapos na magkaroon ng shortage sa suplay ng naturang bakuna matapos na ipatigil ng apat na linggo ang paggawa nito sa Serum Institute of India.
Bagamat huli na nang malaman ng UK na nagkaroon ng kakulangan ng suplay ng nasabing bakuna, ay kumpiyansa parin ang pamahalaan nito na mababakunahan parin ang lahat ng mga may edad hanggang katapusan ng Hulyo.
Naniniwala naman si UK Housing Secretary Robert Jenrick na posibleng nagkaroon lamang ng problema sa factory sa India kung kaya’t ipinatigil nito ang paggawa ng Astrazeneca vaccines.