Aabot sa limang milyong doses ng COVID-19 vaccines ang naiturok sa ikalawang round ng National Immunization Campaign ng pamahalaan.
Ayon kay Dr. Kezia Lorraine Rosario ng National Vaccination Operations Center (NVOC), 5,056,186 doses ng bakuna ang naiturok mula Decemeber 15 hanggang 21.
Aniya, bagamat naapektuhan ang pagbabakuna sa ilang lugar dahil sa bagyong Odette ay maganda pa rin ang naging resulta ng bakunahan sa ilang mga lugar.
Samantala, sinabi pa ni Rosario na ang pagpapabakuna ng mga Pilipino ang pinakamagandang regalo na maaaring maibigay sa kanilang pamilya at komunidad ngayong kapaskuhan.