Natupok ng apoy ang ilang tindahan sa Divisoria kaninang madaling araw.
Ayon kay Tondo Fire Station Chief Fire Inspector Michael Ignacio, tinatayang aabot sa limang milyong piso ang halaga ng mga gamit na nasunog kabilang dito ang mga damit, gowns pangkasal, sapatos at iba pa.
Nanghihinayang naman ang mga may-ari ng nasunog na stall.
Samantala, inaalam pa ng BFP ang sanhi ng nangyaring sunog na umabot sa ikalawang alarma. —sa panulat ni Airiam Sancho