Patay ang limang miyembro ng isang pamilya matapos na tangayin ng malakas na agos ng tubig baha noong kasagsagan ng Bagyong ‘Ursula’ sa Batad, Iloilo.
Una nang nakita ang bangkay ng 3-taong gulang na batang si Rheana De Asis noong Miyerkules na sinundan pa ng pagkakakuha ng bangkay ng kanyang kapatid at ama sa isang palayan –mahigit kalahating kilometro mula sa pinangyarihan ng insidente.
Kahapon naman ng umaga, nakuha ang bangkay ng kapatid na si Rose Mae De Asis at kanyang pinsan na si Ronilo Evangelio sa isang kawayanan.
Nagpapatuloy naman search at retrieval operations para sa bangkay ng 10-taong gulang na si Roel Junior.
Lubos naman ang pagkabigla at dalamhati na nararamdaman ng inang si Andrea De Asis sa sinapit ng kanyang pamilya.
Nasa maynila si Andrea nang maganap ang insidente at nakatakda sanang lumipad patungong Kuwait.