Limang mahahalagang isyu ang natalakay sa ginanap na National Security Council meeting sa Malacañang.
Ipinabatid ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na kabilang sa mga tinalakay sa nasabing pagpupulong ang ruling ng Permanent Court of Arbitration sa West Philippine Sea, Peace and Development Roadmap, Anti-Illegal Drugs Campaign, Constitutional Convention at Federalism.
Sa kabila nito, tumanggi na si Abella na idetalye ang mga napagkasunduan sa mga isyung tinalakay sa NSC Meeting.
By: Meann Tanbio / Aileen Taliping