Bagama’t sarado simula kaninang ala-una ng hapon ang limang malls sa Muntinlupa City, bukas pa rin ito para sa mga stranded na indibidwal at mga apektado ng Bagyong Rolly.
Kabilang dito ang Filinvest LifeMalls, SM Center Muntinlupa, South Park Center, Alabang Town Center at StarMall.
Para naman sa mga sisilong sa mga nabanggit na mall, libreng mag-charge ng cellphone, access sa WIFI, paggamit ng restroom at overnight parking.
May mga itatalagang lugar kung saan lamang maaaring manatili ang mga customer at mga stranded o mamamayan na hindi matutuloy ang biyahe pauwi ng kani-kanilang probinsya.
Una nang nag-anunsiyo ng katulad na serbisyo ang SM North, SM San Lazaro at iba pang malls sa Metro Manila.