Natagpuan ang isang bangkay na palutang-lutang malapit sa baybayin ng Brgy. Matabao sa bayan ng Batuan, Masbate.
Kinilala ang biktima na si Melvin Habagay ng brgy. Danao, Baras, Catanduanes kung saan isa ito sa lima pang mga mangingisdang nawawala.
Nakilala ang bangkay dahil sa kanyang malaking tattoo na nakaukit ang kanyang pangalan sa kanyang katawan habang natagpuan namang nakataob ang bangka ng biktima sa karagatang sakop ng Capul Island, Samar.
Samantala patuloy namang hinahanap ng rescue team ng Philippine Coast Guard o PCG ang mga kasama ni Habagay na sina Ronald Abarle, Dante Torrente, Jovel Torrente at Jerson Asis na pinaniniwalaan ng mga kaanak na buhay pa.
Pumalaot ang nasabing mga mangingisda kasama ang apat na iba pa kung saan sinalubong ito ng masamang panahon at naglalakihang alon sa gitna ng karagatan—mula sa panulat ni Khime Gomez