Hindi bababa sa limang manufacturers ng bakuna kontra COVID-19 ang nagpahayag na ng interes para magsagawa ng clinical trial sa Pilipinas.
Ito ang inihayag ni Food and Drug Administration Director General, Health Undersecretary Eric Domingo, batay sa naging pakikipagpulong niya sa Department of Science and Technology.
Ayon kay Domingo, may advantage para sa Pilipinas kung dito sa bansa gaganapin ang clinical trial dahil agad na makikita ng mga eksperto sa bansa ang epekto sa mga mismong Filipino.
Sinabi ni Domingo, sa kasalukuyan, sumasailalim na sa evaluation ng FDA ang isa sa mga pontensiyal na bakuna kontra COVID-19 na Sinovac.
Ito aniya ay matapos na makakuha ng clearance at i-endorso ng DOST ang Sinovac.
Ani Domingo, ilang mga requirements na lamang ang kanilang hinihingi mula sa Sinovac para maaprubahan na ang clinical trial nito sa Pilipinas.