Patay ang limang miyembro ng Maute Terrorist Group makaraang makasagupa ang tropa ng militar sa Lanao del Sur.
Ayon sa AFP o Armed Forces of the Philippines, nangyari ang engkuwentro habang nagsasagawa ng operasyon ang militar sa bukiring bahagi ng Poona Bayabao.
Sa isang pahayag, sinabi ni AFP Spokesman B/Gen. Restituto Padilla na ang ipinarating sa kanilang impormasyon ng ilang sibilyan ang siyang dahilan ng pagkakapatay sa lima.
Narekober ng militar mula sa mga napatay na terorista ang iba’t ibang matataas na klase ng armas tulad ng M-14, m-16, M203 grenade launcher, garand at recoilless rifle.
Gayundin ang rocket propelled granade, mga bala at IED o Improvised Explosive Device.
By: Jaymark Dagala