Limang (5) miyembro ng Moro Islamic Liberation Front o MILF ang patay habang 3 iba pa ang sugatan sa pagsabog isang improvised explosive device o IED sa bayan ng Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao.
Ayon kay Lt. Col. Gerry Besana ng 6th Civil Military Operation Battalion, pawang mga miyembro ng MILF Task Force Ittihan sa ilalim ni Commander Asrap ang mga biktima.
Itinanim anya ang pampasabog ng mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF.
Tinutugis anya ng MILF Task force ang BIFF na pinangungunahan ni Esmail Abdulmalik alyas Kumander Abu Toraype nang maganap ang pagsabog.
By Drew Nacino