Halos limang (5) milyon katao sa Somalia ang nakararanas ng matinding gutom.
Ayon sa United Nations, ang food shortage na nararanasan ngayon sa Somalia ay bunsod ng mga pagbaha, mahinang pag-ulan at pagpapalikas sa mga tao roon.
Batay sa ulat ng UN, nasa 300 kabataan nasa edad lima pababa ang salat sa tamang nutrisyon at nangangailangan ng agarang tulong pangkalusugan.
Sinasabing sa loob lamang ng anim na buwan ay tinatayang nasa kalahating porsyento na ng populasyon sa Somalia ang nakaranas matinding gutom.
By Ralph Obina
Photo: Getty Images (Flash floods have destroyed crops in Somalia leaving nearly half the population short of food)