Dinukot sa katimugang bahagi ng Yemen ang limang misyonero o staff ng United Nations (UN) na galing sa isang field mission.
Ayon kay UN Spokesperson Russel Geekie, pabalik na sana sa kanilang barracks ang mga misyonero pero bigla nalamang nawala ang mga ito.
Iniimbestigahan na ng mga otoridad kung may kaugnayan sa sigalot ng Saudi-led Military Coalition sa Iran-Aligned Houthi Group sa Yemen noong 2015 ang pagkawala ng mga misyonero kung saan, libo libong katao ang nasawi habang milyong residente naman ang nawalan ng tirahan dahil sa matinding Humanitarian crisis.
Nabatid na ang Coalition ay namagitan sa Civil war sa Yemen makaraang mapalayas ng pamahalaan ang mga Houthi sa Sanaa, Yemen. —sa panulat ni Angelica Doctolero