Sumuko sa Pamahalaan ang limang miyembro ng Abu-Sayyaf Group sa Basilan at Sulu.
Ayon sa mga tauhan ng 18th Infantry Battalion of the Philippine Army, kabilang sa sinurrender ng mga terorista ang 22 bala ng baril, ibat-ibang klase ng baril kabilang na ang isang m-rifle, dalawang m16a1 rifles, isang m1 garand rifle, isang .45-caliber pistol at ibat-ibang klase ng pampasabog.
Sa ngayon umabot sa 206 ang bilang ng mga sumukong terorista mula Sa Sulu, Basilan, Tawi-Tawi at Zamboanga ngayong taon. —sa panulat ni Angelica Doctolero