Inaresto ng mga otoridad ang 5 miyembro ng Communist Party Of The Philippines-New Peoples Army sa magkakahiwalay na operasyon sa bayan ng Sta.Maria at San Vicente, Bulacan.
Base sa impormasyon, nagkasa ng joint manhunt operation ang pinagsanib pwersa ng mga tauhan ng CIDG Provincial Field Unit, CIDG RFU 3, CIDG PFU Pampanga, CIDG PFU Bataan, CIDG Ilocos Norte, Ilagan Police, 1st Isabela PMFC kasama narin ang Sta Maria Police, RIU 3, RSOG 3, 4th Manuever Platoon 2nd PMFC Bulacan, RFMB 3, Bulacan PECU at air-pa sa nasabing lugar kung saan, nagtangka pang manlaban ang mga rebeldeng grupo pero agad na naagapan ang mga ito at agad ding naaresto.
Narekober sa operasyon ang dalawang cal.45 na baril, tatlong magazine, 15 bala ng cal. 45, dalawang hand grenade at improvised explosive device. —sa panulat ni Angelica Doctolero