Timbog ang limang miyembro ng isang bus robbery hold up group na nag o-operate sa kahabaan ng EDSA.
Kabilang sa mga naaresto, ayon kay Southern Police District (SPD) Director Chief Superintendent Tomas Apolinario ang itinuturong lider ng grupo na si Intoy Alao.
Ang mga suspek ay naaresto sa magkahiwalay na operasyon sa Makati City at Taguig City.
Ang Ilao robbery group ay huling nang-holdap noong Setyembre 6.