Patay ang limang miyembro ng isang pamilyang Pilipino sa nangyaring karambola ng tatlong sasakyan sa Townsend, Delaware sa Estados Unidos.
Kinilala ang nasawing ama na si Audie Trinidad at mga anak nitong sina Kaitlyn, Danna, at ang kambal na sina Allison at Melissa.
Habang tanging nakaligtas sa insidente ang ilaw ng tahanan na si Mary Rose at kasalukuyang ginagamot sa Christiana Hospital sa Newark, Delaware.
Batay sa report ng Delaware State Police, hindi naka-seatbelt ang limang miyembro ng pamilya Trinidad na naging dahilan ng agarang pagkasawi ng mga ito.
Nangyari ang insidente sa State Route 1 Highway nang mawalan ng kontrol ang isang Ford SUV na pa-south bound at sumalpok sa kasalubong na kotse bago tumama sa sasakyan ng pamilya Trinidad.
—-