Patay ang 5 hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos maka-engkuwentro ang tropa ng gobyerno sa barangay mataas na pulo sa Nasugbu, Batangas.
Ayon kay Major Angelo Guzman ng AFP Southern Luzon Command, pasado ala-1:00 ng hapon nang makasagupa ng 739th Combat Group ng Philippine Air Force ang 10 rebelde sa gitna nang pagpapatrolya ng mga otoridad.
Tumugon ang mga otoridad sa report hinggil sa presensya ng mga armadong kalalakihan sa naturang lugar at nasabat sa mga rebelde ang dalawang M14 rifle, isang M16 at carbine.
Dalawang sibilyan ang nasugatan sa engkuwentro kabilang ang isang 14-anyos na lalaki na kaagad namang isinugod sa Apacible Memorial Hospital sa Nasugbu.
By Judith Larino | Jonathan Andal
1 comment
Pls po paka imbistigahan ng mahusay ang ngyareng barilan sa mataas na pulo nasugbo batangas,,dahil hindi npa ang bayaw ko..kahit pa mag tanung kayo sa buong barangay at oficial dun. Napatay ng sundalo ang bayaw ko..tapus nilagyan nila ng baril..mgs kinauukulan at media..sna bigyan nu ng hustisya ang bayaw ko..isang mag uuling lang ang batang un… Mga walang pusong sundalo..kau,,humihimge n nga ng tulong ang bayaw ko..niratrat nu pah..