Patay ang limang miyembro ng New People’s Army o NPA habang tatlong sundalo ang sugatan matapos sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng militar at mga rebelde sa Calatrava, Negros Occidental.
Batay sa ulat, napag-alaman na bago pa ang eleksyon nitong Mayo 13 ay may namomonitor na ang mga sundalo hinggil sa presenya ng mga NPA.
Dahil dito nagsagawa ang tropa ng patrolya sa Sitio Puting Tubig, Barangay Minautol, Calatrava kung saan nagsimula ang bakbakan na tumagal ng mahigit isang oras.
Nakatakas naman ang iba pang miyembro ng rebeldeng grupo.
Nasamsam naman ng mga sundalo ang baril, bala at ilang personal na gamit ng mga rebelde na naiwanan sa pagtakas.