Hindi pa rin naililibing ang Limang miyembro ng pamilya Parojinog, halos dalawang linggo matapos ang pagsalakay ng Ozamiz City Police.
Hinihintay pa ng mga Parojinog ang desisyon sa petisyon ng nakapiit na si Vice Mayor Nova Princess Parojinog-Eschavez at kapatid nitong si Reynaldo Parojinog Jr. na makadalo sa libing ng kanilang pamilya partikular ng amang si Mayor Reynaldo “aldong” Parojinog Sr.
Gayunman, wala pang pasya ang Ozamiz Regional Trial Court Branches 15 at 35 kung papayagan ang mga nakababatang Parojinog na dumalo sa funeral service sa Lunes.
Ang mga nabanggit na korte ang may hawak sa illegal drugs and possession of firearms charges na kinakaharap ng Bise Alkalde at kapatid nito na kapwa nakakulong sa pnp-Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City.