Nasakote ang 5 most wanted person sa magkakahiwalay na operasyon ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group sa loob ng 24 oras.
Kabilang sa mga naaresto ang isang Luisito Gonzales ng Zambales na wanted sa kasong murder at slight physical injuries habang arestado rin ang isang Arnold Ronquillo sa Imus, Cavite.
Huli naman sa Sorsogon sina Amadeo Divina na may kasong frustrated murder at Rommel Avanseña sa Daet, Camarines Norte na may kasong rape.
Natimbog din ng PNP-CIDG ang isang Gilbert Rabina sa Barangay Bunawan, Davao City na nahaharap sa tatlong bilang ng kasong rape.
Hinihintay pang mai-turn over sa mga kaukulang korte ang mga nadakip na most wanted persons.
By Jelbert Perdez | Jonathan Andal