Naabo sa naganap na sunog ang limang barong-barong na bahay sa bahagi ng Barangay Tatlong Maria Sa Taal, Batangas.
Ayon sa imbestigasyon ng pamunuan ng Taal fire station, nahirapan silang apulahin ang sunog dahil makipot ang daan at nasa tabi ito ng Pansipit River kaya nagawa pang umikot ng mga bumbero sa Lemery, Batangas.
Tinitingnan naman ang posibilidad na tangke ng LPG o kuryente ang sanhi ng naganap na sunog na tumagal ng isang oras.
Inaalam na rin ang kabuuang halaga ng danyos na naabo sa sunog.— sa panulat ni Angelica Doctolero