Arestado ang 2 lalaki at 3 babae dahil sa umano’y pagbebenta ng daily time record o DTR na nagkakahalaga ng P30 sa mga residente ng Camarin, Caloocan.
Ayon sa Police Community Precinct 8, pinaglinis sa komunidad ang mga binigyan ng DTR at pinangakuang makakatanggap sila ng halos P7,500 mula sa isang senador.
Sinasabing nakahakot ng higit P4,000 ang mga indibidwal na sangkot sa nasabing modus.
Bagama’t itinanggi ng mga hindi pinangalanang suspek ang akusasyon, sasampahan pa rin ang mga ito ng kasong estafa.