Nabunyag na rin ang paglaya ng 5 estudyante ng University of the Philippines (UP) na nahatulan sa pagpatay kay Dennis Venturina dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Ayon sa isang panayam sa ama ni Dennis na si Edgar Venturina, nakalaya na umano ang mga miyembro ng Scintilla Juris Fraternity na sina Daniel Feliciano Jr., Julius Victor Medalla, Christopher Soliva, Warren Zingapan at Robert Michael Beltran Avir noong Abril.
Ang mga nabanggit ay pawang mga nahatulang guilty sa pagpaslang kay Dennis matapos maganap ang isang kaguluhan sa UP Diliman Campus noong December 1994.
Sinabi pa ni Ginoong Venturina na hindi sila nasabihan tungkol sa paglaya ng mga naturang convict.