Lima na ang naitalang nasawi habang nasa apatnapu’t lima (45) ang naaresto simula nang mag-umpisa ang election period noong Linggo Enero 13.
Batay ito sa impormasyong ipinalabas ng National Election Monitoring and Action Center ng Philippine National Police (PNP).
Sa nasabing bilang apat (4) ang naaresto ng pulisya sa pamamagitan ng search warrant, apatnapu (40) sa kasagsagan ng pagpapatrolya ng pulisya habang labing isa (11) sa mga operasyon tulad ng Oplan Bakal, Sita at Galugad.
Sa kasalukuyan, nasa apatnapu’t pitong (47) baril, labing anim (16) na mga improvised fire arms at gun replica at mahigit tatlong daang (300) patalim na ang nakumpiska ng pulisya.
(Ulat ni Jaymark Dagala)