Limang national laboratory ang itatatag ng Department of Health (DOH) para sa pagsusuri ng 2019 novel coronavirus (nCoV).
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, inaantay na lamang nila sa kasalukuyan ang primer na magmumula sa Japan.
Samantala, maayos naman anyang nagagamit ang equipment para masuri kung positibo o negatibo sa 2019 nCoV ang isang pasyente.
Matatandaan na nitong mga nakalipas na linggo, kinakailangan pang magpadala ng sample sa Australia para malaman kung positibo sa nCoV ang isang pasyente.
Kinakailangan ‘yon para matukoy mo ‘yung eksaktong virus kung siya ba ay eksaktong kamukhang-kamukka ng nasa Wuhan, China. Kumbaga parang thumbmark, ‘yung virus na ‘yon, sya talaga ‘yon. Kasi minsan, maraming magkakahawig, e –SARS, MERS-CoV,” ani Duque. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas