Limang nominasyon ang nakuha ng Pilipinas sa prestihiyosong 28th World Travel Awards sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon sa Department of Tourism (DOT), nakatanggap ng nominasyon ang bansa sa mga sumusunod na kategorya:
- World’s leading beach destination 2021
- World’s leading dive destination 2021
- World’s leading island destination 2021 (Siargao Island)
- World’s leading tourist attraction 2021 (Intramuros)
- World’s leading tourist board 2021
Nanawagan ang DOT sa publiko na iboto ang Pilipinas sa pamamagitan ng pagbisita sa www.worldtravelawards.com/vote.
Kalaban ng Pilipinas ang iba pang bansa katulad ng Maldives, Thailand, Mexico, Hawaii, Kenya, Greece at iba pa.
Magtatapos ang botohan sa Oktubre 25.