Limang miyembro ng New Peoples Army (NPA) ang nagbalik-loob sa pamahalaan sa Maguindanao kamakailan.
Ang naturang mga NPA ay sinasabing kaanib umano ng Far South Mindanao Region na kusang sumuko sa mga militar dahil sa kawalan ng pag-asa sa kanilang ipinaglalaban sa pamahalaan.
Ayon sa 57th infantry battalion ng Philippine Army, kasabay ng pagsuko ng mga npa ang pagturn-over ng mga armas na kinabibilangan ng isang sniper rifle, isang garand rifle, at isang 12-gauge shotgun.
Bukod pa dito, isinuplong din ng 5 rebelde ang pinagtataguan nila ng iba pang mga armas, katulad ng isang M60 machine gun at 3 M16 rifles sa isang liblib na lugar sa bayan ng Lebak, Kalinga.
Nangako naman ang militar na kanilang tutulungan ang mga ito upang muling makapagbagong-buhay kapiling ang kani-kanilang pamilya.