Pinatawan ng anim na buwang suspensiyon ng Office of the Ombudsman ang limang opisyal ng Anti-Red Tape Authority kabilang si Director General Jeremiah Belgica.
Ito ay matapos silang sampahan ng reklamong Grave misconduct at Gross neglect of duty and conduct of prejudicial to the best interest of the service ng dito telecommunity incorporated.
Ang iba pang sinuspinde ay sina Arta deputy director Eduardo Bringas; Division chief Sheryl Pura Sumagui; at mga director na sina Jedrek ng at Melamy Salvadora-Asperin.
Marso a-1 nang maglabas ng resolution at order of automatic approval ang ARTA na nag-uutos sa pagbibigay ng contingent frequencies sa Now Telecom Company, na subsidiary ng dito.
Pero lumabas na una na palang nakatanggap ng frequencies ang Now Telecom na napiling ikatlong Telco.
Dahil sa nangyari, na-convert sa multa ang parusa sa halagang katumbas sa sahod ng mga sinuspinde.