Sinibak sa pwesto ang limang opisyal ng Bureau of Fire Protection sa Davao kasunod ng naganap na sunog sa NCCC mall na ikinasawi ng tatlumpu’t walo katao.
Kinilala ang limang opisyal na sina Fire Supt. Honee Fritz Alagano, District Fire Marshall ng lungsod; Fire Insp. Renero Jimenez, Station Commander; Senior Fire Officer 1 Leo Lauzon, na siyang nag-inspect ng SSI; Fire Officer 2 Joel Quizmundo, Fire Safety Inspector ng NCCC mall; Senior Fire Officer 1 Roger Dumag, hepe ng Fire Safety Enforcement Section.
Sinibak ang mga nabanggit na opisyal dahil sa pag-iisyu ng fire-safety inspection certificate gayung may nakitang paglabag ang NCCC mall at SSI na employer ng mga nasawi sa fire code of the Philippines base sa verification inspection na ginawa ng nasabing task force.
Ayon sa task force, hindi konektakdo ang fire alarm system ng SSI sa fire alarm ng NCCC mall, kung kaya’t maraming na-trap na mga call center agents
Bukod dito wala rin umanong automatic fire suppression system ang SSI habang ang NCCC mall naman ay hindi umano paggana ng automatic fire system sa 3rd at 4th flr dahil sa sarado ang floor control valve nito at wala rin umanong sprinkle heads ang 3rd floor ng naturang mall.
Posibleng maharap sa kasong administratibo at kriminal ang mga opisyal sa oras na mapatunayang may paglabag ang mga ito.