Pinagpapaliwanag ng Palasyo ang limang opisyal ng ERC o energy Regulatory Commission dahil sa mga umano’y maluluhong biyahe nito sa ibang bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, kasalukuyan na nilang iniimbestigahan ang insidente lalo’t sinasabing pinondohan ang mga naturang biyahe gamit ang pondo ng ahensya.
Kabilang sa mga inaakusahan sina Commissioner Alfredo Non, Commissioner Gloria Victoria Taruc, Commissioner Josefina Asirit, Commissioner Geronimo Sta. Ana at Direktor Debora Layugan.
Ginawa ng Palasyo ang pahayag bilang tugon sa liham na ipinadala ni UFCC o Union of Filipino Consumers and Commuters President RJ Javellana dahil sa anito’y paglabag ng mga nabanggit na opisyal sa itinatadhana ng Republic Act 6713.