Tinanggal sa kani-kanilang pwesto ang limang (5) opisyal ng NBI dahil sa umano’y pagkakasangkot sa pagdukot at pagpatay sa Koreanong negosyanteng si Jee Ick Joo.
Ayon kay juStice Secretary Vitaliano Aguirre, sinibak sa pwesto sina NBI-NCR Director Ricardo Diaz, NBI-NCR Assistant Director Vicente De Guzman, NBI deputy director for Investigation Service Jose Yap, NBI task force against illegal drugs Chief Ruel Bolivar, at Investigation Agent 5 Darwin Lising.
Una nang idinawit ng isa sa mga respondent sa kaso na si police superintendent Rafael Dumlao si Diaz at kanyang mga tauhan.
Samantala, ayon kay Aguirre, magbibigay-daan ang rigodon sa ahensya sa joint investigation ng NBI at PNP.
By: Avee Devierte / Aya Yupangco