Ipinag-utos ni Russian President Vladimir Putin ang pagkakaroon ng limang oras na humanitarian pause o pansamantalang paghinto ng mga pag-atake ng Syrian Government Forces at Russia laban sa mga rebelde sa Syria araw-araw.
Ito ay upang matiyak na ligtas na makalalabas ang mga sibilyan na naiipit sa kaguluhan sa nasabing bansa.
Kasabay nito, magtatayo din ng isang humanitarian corridor na tutulong sa mga nais nang umalis na mga sibilyan.
Magpapakalat din ng leaflets at magpapadala ng mga text messages at videos ang Syrian Red Crescent para magbigay impormasyon sa ligtas na paglabas ng mga sibilyan.
Ipatutupad naman ang humanitarian pause sa pagitan ng alas-9:00 hanggang alas 2:00 ng hapon sa Syria.
RPE